May sorpresang darating ngayong October 22. Isa na rito ang pagdating ng cute na cute na Moon Bear na dadalaw sa RAN para mamigay ng Moon Lamp Headgear at Moon Bear Costumes! Basahin ang kwento at alamin kung paano!
Panahon na naman para sa Thanksgiving Feast ng mga diyos sa kalangitan. Ngayong taon, naatasan si Luna, ang diyosa ng buwan, na i-decorate ang hardin ng mga diyos kung saan gaganapin ang Thanksgiving Ball. Dahil sa likas na katamaran ni Luna, naisip n’yang utusan ang kanyang alagang oso na gawin ang kanyang trabaho. “Inilagay ko ang liwanag ng buwan sa mga lamparang iyan. Isabit mo sila sa bawat sulok ng hardin bago magsimula ang Thanksgiving Ball,” ang bilin niya sa kanyang alaga. Agad na sumunod ang oso pero dahil hindi pa s’ya nakakarating sa hardin ng mga diyos, sinundan n’ya ang unang daan na kanyang nakita. Ang hindi n’ya alam, daan yun papunta sa mundo ng mga tao.
Ilang araw na lang bago ang Thanksgiving Feast pero hindi pa rin bumabalik ang oso. Dahil sa pag-aalalang baka tinakasan ng oso ang trabahong ibinigay n’ya rito, inutusan ni Luna ang kanyang bantay para hanapin ang kanyang nawalang alaga.
Tulungan ang bantay na hanapin si Moon Bear at magkaroon ng cute na cute na bagong headgear at costume!
Mekaniks:
1. Si Moon Bear ay may kapangyarihang magtago sa Fate Box. Kapag lumabas si Moon Bear mula sa Fate Box, hulihin s’ya at kunin ang Dormant Moon Lamps sa kanya.
2. Kapag nakakuha ka na ng 20 Dormant Moon Lamps, hanapin ang sugo ni Luna at ibigay sa kanya ang mga lampara.
3. Bilang kapalit sa tulong mo, bibigyan ka n’ya ng pagkakataong pumili ng reward na gusto mo: Moon Lamp Headgear o Moon Bear Costume. Pagkatapos ay bibigyan ka n’ya ng coupon.
4. Kailangan ng limang (5) coupons para makabuo ng costume at headgear.
5. Kapag nakumpleto mo ang limang (5) coupons, lumapit sa sugo ni Luna at ipagpalit ang mga ito sa Moon Bear Leather Apparels na gusto mo.
Hindi lang yan ang sorpresang matatanggap n’yo dahil ngayong October 21, 2008, muling bubuksan ang Event Shop Services! Kasama sa pwede n’yong i-avail ay ang mga sumusunod:
1.) +9 Upgrade - upgrade any item you want to +9
2.) Name Change - change your character's name
3.) RV Upgrade - increase the RV of your item for a max of 20 RV
4.) School Transfer - change the current school of your character
5.) Ultimate Item Upgrade - upgrade any item to +9 and 20 RV
Astig di ba? Talagang mapapa-Thanksgiving Feast ka sa saya!
0 comments:
Post a Comment